“With this ring” ni Martha Cecilia
I. Sinopsis
Ang kuwentong ito ay nagsimula sa Cebu, isang napakasyang sitwasyon para Alora Arganza na malapit nang ikasal kay Kiel. Pabor dito ang kanyang ama na si Mauro Arganza ngunit mariin naman ang pagtutol ng kanyang ina, si Margarita Arganza. Mayaman sina Alora at ordinaryong empleyado naman si Kiel. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasaksihan ni Alora na magkasama sina Kiel at ang kanyang sa kuwarto na magkatabi sa kama. Patakbong lumayas si Alora at nadagil siya ng sasakyan sa gitna ng kalye. Wala siyang maalala nang siya ay nasa ospital. Wala siyang pagkakakilanlan maliban na lang ang engagement ring na bigay ni Kiel. Tumakas ang may amnesia na si Alora at natagpuan naman ng mga ahente ng white slavery sa Maynila.
Siya ay nakatakas nang marating ang pier at nagtago naman sa bakanteng aparador ng Cabin ng bayaw ng kapitan ng barko na si Gino. Nagulat si Gino nang makita si Alora, at inakala pa niyang isa siyang bayarang babae. Naalala ni Gino sa kanya si Jessica, ang una niyang pag-ibig. Nagkausap sila at nalamang may amnesia nga si Alora. Pinangalanan niya itong “Lian”. Ang barko nila ay papuntang Davao. Kahit na hindi nila kilalang lubos ang katauhan ni Lian, malugod naman siyang tinanggap ng natitirang pamilya ni Gino, ang kanyang ate na si Lani, asawa ni Kapitan Ronald.
Nagkaroon ng pagtitinginan sa pagitan ni Lian at ni Gino sa loob ng dalawang buwanng pamamalagi ni Lian sa kanila. Unti-unting bumabalik ang mga alaala ni Lian hanggang sa nalaman niya ang tunay niyang pangalan. Aksidente naman ang pagkakabasa niya sa peryodiko na may balitang nagpakamatay ang kanyang ama noong araw na umalis siya ng ospital. Dagdag pa sa sama ng kanyang loob ay ang larawan ni Jessica na nananatili sa kuwarto ni Gino.
Bumalik si Alora ng Cebu at tumuloy sa kanilang bahay at nag-usap sila ng kaniyang ina sa mga pangyayari. Sa sama ng loob kay Gino, ibinuhos na lamang niya ang kanyang atensyon sa negosyo ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal ay nahanap siya ni Gino at makalipas ang ilang buwan ay nagka ayos din at nagkapaliwanagan, at sila ay nagpapakasal.
II. Pagsusuri
Ang istilo ng level ng wika ay naglalaro mula informal hanggang balbal. Ito ay sa kadahilanang kapansin na may mga terminong ginamit na parang salitang kanto o nasa ordinaryong komunikasyon lamang. Kapuna-puna din ang paggamit ng istilo ng erotic literature na nagbibigay kulay sa kuwento. Pinakulay ito ng mga tayutay na simile ("Mali ang desisyon iya! Sa basang T shirt ay para na ring walang damit ito!", "Guwapo, maganda ang katawan na tila isang greek god") at metapora ("Kulay kape na may gatas ang balat niya pero makinis at pantay pantay") . Tiyak na ang salitang ginamit ng may akda na talaga namang kinakailangan upang mas maging mabisa ang paglalarawan sa mga kilos ng tauhan sa kuwento. Dagdag pa riyan, masasabi ko din na ang may akda gumamit ng denotasyon dahil may mga tono ng salita na tila hindi obhektibo ang dating.
III. Rekomendasyon/Kongklusyon
· Nakakaaliw basahin ang librong ito, pero hindi ito para sa lahat lalu na sa mga bata.
· Kung hindi ka sanay sa wikang Filipino, mas matatagalan ka pa sa pagintindi kaysa sa inaasahan mong oras na matatapos ka.
· Simple lang ang plot, at ito ay sumasalamin sa antas ng edukasyon mayroon dito sa ating bansa. Kaya inererekomenda kong huwag masyadong magbasa ng mga ganitong babasahin.
· Mairerekomenda ko itong panregalo para maiba naman.
· Mas maganda ang librong ito kaysa sa inaasahan. Huwag basta husgahan ang mga ganitong libro.
ibinigay kong marka 4.2/10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Dinagdagan pa sana ang pag-aanalisa upang mapatunayan ang ginamit na estilo ng awtor. 90%
ReplyDelete