Tuesday, March 24, 2009

pocket book ni martha cecilia, isasa telibisyon na!

Noong nakaraang marso 10, ako ay nag post sa blog ko tungkol sa isang pocketbook review.Oo, 'yun ang kasabay ng ploning, kabugan, at oras. Isang araw, nakita ko sa isang advertisement ng television network na abs-cbn na bbigynag kulay ang mga istorya ng pocket book na binabasa ng mga kababayan natin na walang mapaglibanangan. Kaya lang, isang beses ko pa lang nakita iyon, kaya, hindi ko alam kung nananaginip lang ako...waaahhh

para sa abs-cbn, isa itong magandang hakbang upang tumaas ang ratings, kasi nga naman, mas magiging makatotohanan na ang bawat tagpo. Magkano kaya ang binayad nila kay martha para sa rights? sa kabilang banda, palagay ko sa hapon ito ipapalabas at hindi sa primetime.

paala ala-> HINDI puwedeng ilabas ng abs-cbn ang mga maiinit na eksena, kaya hindi maipapakita lahat, depende sa kung ano ang isinulat, kasi may mtrcb tayo....

No comments:

Post a Comment