Tuesday, March 10, 2009

Panunuring pampelikula- PLONING


Ploning

Ploning. Nagmula ang pamagat na ito sa kantang Cuyonon na “Ploning”, isang kanta tungkol sa pag-ibig
Nagsimula ang eksena na mapapakinggan ang awit ng Ploning sa orihinal nitong salita. Makikita sa pambungad na eksena ang pagsasaring gawa nila Ploning at Tomas sa isang Balsa…

Literary aspects

Napansin kong maraming karakter sa pelikulang Ploning dahil may mga maliliit pang istoryang nakapaloob dito. Siyempre, nariyan si Ploning, ang bida, na napakamisteryoso ng pagkatao na wala man lang nakakaalam ng kanyang tunay na pangalan, Ploning lang ang twag sa kanya. Si Digo, ang naging “anak-anakan” ni Ploning ay nagging si Muo Sei makalipas ang 25 taon pero bumalik sa Cuyo. Nariyan din sila Susing, ang ama ni Ploning Nieves, ang babaeng hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan bagkus ay kung ano ang nasa loob, Celeste, ang babaeng liberal at may pagka moderno, Juaning- ang pilay“nanay” ni Digo, na nagging mapagmahal na ina sa kanya.Intang- nanay ni Tomas na kasintahan ni Ploning na medyo makasarili, si Alma ang babaeng simpleng bagay lamang ang nagpapaligaya sa kanya at siya rin ay matiisin o pasensyosa, Siloy, ang bagito pa noon na nagging mayor ng Cuyo nang bumalik si Digo, at marami pang extrang karakter sa pelikula.

Ang istorya ay nagsimula sa pagbabalik ni Digo/ Muo Sei sa isla ng Cuyo, Palawan dahil hinahanap niya kung ano o sino nga ba si Ploning. Pumunta siya sa dating bahay ni Ploning at pilit inaalala ang nakaraan. Pumunta sila ni Doc/Badocdoc sa pagawaan ng cashew brittle na Ploning. Nadiskubre niyang ang may-ari ay si Celeste

Noong bata pa si Digo, parati niyang kasama ang naglalakad niyang nanay na si Ploning, at ayaw niya itong pumunta ng Maynila. Isang araw, nataong araw ng pista, inakala niyang umalis si Ploning, kaya naman ay lumayas siya sa Cuyo sa pamamagitan ng paglangoy

Isa lang ang tema ng Pelikula, pag-ibig, maging sa kasintahan man ito o sa anak o sa kaibigan. Ang mood ng pelikula ay madrama at emosyonal

Dramatic aspects
Makatotohanan ang pagganap ni Judy Ann sapagkat hindi mo makikita ang pagiging Juday niya sa kanyang karakter at walang bahid ng kaartehan, mahusay rin siyang magsalita ng Cuyonon. Mahusay din ang pagpili ng mga actor kasi tama lang ang itsura nila, angkop sa mga taga Cuyo, hindi talaga tipong artistahin, maging si Juday
Epektibo ang paggamit ng costume at props upang maipadama sa manonood kung ano nga ba ang mayroon sa Cuyo.
Kumbinsido naman ako sa pag-arte, natural na atural lang. ayaw ko lang nung eksenang kinakausap ni Intang ang Diyos, ang sama nang eksenang iyon. Hindi bagay kasi parang wala naming gagawa nun sa totoong buhay.
Mahalaga ang facial expression sa pelikula, naipakita iyon nung mawala si Digo sa Cuyo, bumakas ang lungkot sa mukha ng isang malihim na si Ploning. Nagpapakita ito ng matinding kalungkutan.
Para sa akin, mas nagging matimbang ang set kaysa sa costume at set up dahil sa isla ng Cuyo nakasentro ang istorya, kung ano nga ba mayroon doon

Cinematic aspects

Maraming estilong “flashback” ang ginamit sa pelikulang ito upang maipagtagpi-tagpi ang mga maliliit na istorya. Ang mga ipinapakitang nakaraan ay hindi naman nangangahulugang lahat ay mula sa alaala ng karakter. Napansin kong hindi lamang nakatuon sa mga karakter ang camera kundi pati na rin sa mga tanawin. Marahil ay ginawa iyon upang lalung makuha o maramdaman ang lugar ng Cuyo.

Maayos naming nailapat ang musika sa pelikula at ipinapakita nito ang kultura ng mga Cuyonon

Ploning, nga labing malebanAng guegma mo PloningNga ing kandaduanLisensia ko PloningKung sarang tugutanMapamasyar akoSa marayeng lugar
Karagdagang impormasyon

Ano ang kaugnayan ni Dig okay Ploning?

Si Ploning ang tumatayong naglalakad na nanay ni Digo dahil ang kinikilala niyang nanay na si Juaning ay pilay at hindi siya masamahan nito.

Bakit nagalit si Ploning sa kanyang ama?

Dahil ayaw siya nitong payagang pumunta sa Maynila

Anu-ano ang mga simbolismo ng mga sumusunod?

Bato- ang balugo, nagsisilbi itong koneksyon ni Ploning kay Tomas. Simbolo ito ng kanilang pag-ibig.
Tsinelas- sumisimbolo ito sa pagbabago, malaking pagbabago sa buhay.
Lata ng Lychees- Nagsisilbing koneksyon ni Digo kay Ploning. Simbolo din ito ng kanilang pag-ibig bilang mag-ina at magkaibigan din.
Puting damit- puro o kalinisan o kadalisayan. Sumisimbolo rin ito sa pagiging birhen o pagiging inosente
.
Asin- pag-asa at panandaliang kaligayahan
Kasoy- nagsisilbing koneksyon ng mga magkakaibigang babae sa Cuyo. Simbolo rin ito ng kanilang mapaglalabasan ng kanilang emosyon o saloobin.
Indigo dye- kasiyahan, pakikiisa

Anu-ano ang pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita sa pelikula

Pagpapahalaga sa pamilya, pag-ibig sa kasintahan, pagpapayo sa kaibigan, pagiging malapit sa isa’t isa o ang kaugaliang bayanihan sa mga taga Cuyo.

Ano ang lihim ni Ploning?

Anak niya si Digo kay Tomas, anak sa pagkadalaga.

Para sa akin 6/10 ang maibibigay ko

Kalakasan

Mga artista, mas sikat, mas maraming hatak sa mga taga hanga.
Maraming aral tungkol sa buhay at pag-ibig
May lohikal na istorya

Kahinaan

Istatikong eksena, pagtingin sa kawalan.
Masamang simula, hindi ang tipong aabangan ang mga susunod na mangyayari, nagging interesado lang matapos ang kalahati

2 comments:

  1. hahaa masyado nang matagal ang reply... anyway, tingin ko hindi anak ni ploning c digo, isinilang c digo sa pagkamatay ni tomas. 2nd scene or continuation scene ng mga papel na nakita ni mylene dizon, deathcert ni tomas at birthcert naman ni digo un. maaring naging outlet lang ni ploning si digo to move on. parang sya ung kapalit ni tomas, pero tingin ko di nya anak c digo kasi imposibleng makubli nya ang pagbubuntis nya sa maliit na lugar/barangay. Kung anak man nya c digo,OA naman un parang usual na teleserye naman.

    ung umpisa (opening credits/opening scene) pinakita na nkikipagniig/talik c ploning kay tomas (malamang), at umuwi ito may dugo ung white dress nya- napagalitan sya ng tatay nya kaya mula nun lumayo ang loob nya sa tatay nya.

    patay na c tomas, naghihintay lang c ploning ng pagibig nila sa langit. nais nya pumunta sa maynila para makuha ang buto ni tomas tulad ni gina pareño. recall her character.

    Si ploning ang character ng taong tahimik lang, sinasabi ng pelikula na hindi mo kailangan magpaliwanag sa mga tao sa lahat ng pagkakataon, ganun din na wala tayo sa posisyong manghusga ng iba dahil hindi natin alam ang katotohanan sa kanya. Tulad ito ng bakit nakaputi si ploning sa libing ng tatay nya. At tulad ng bakit di niya sinasabing patay na si tomas at wala n nman syang hinihintay physically. "Ayokong maging dahilan ng kalungkutan ng iba ang kaligayahan ko." - hindi pa tanggap ni gina pareño (nanay ni tomas) ang pagkamatay ni tomas, pero si ploning maligaya na sya. pero di nya puedeng ipakita sa lahat lalo kay gina.

    magulo ang istorya dahil talon ng talon pero pag inulit ulit mo mga dalawa tatlo and be particular sa details, mauunawaan mo rin. Pero tama, may mga bagay na hindi talaga sinasabi sa pelikula. Yun kasi ung sense ng movie. hindi sya usual movie pero madadala ka ng hindi mo alam kung bakit.

    ReplyDelete