Noong nakaraang marso 10, ako ay nag post sa blog ko tungkol sa isang pocketbook review.Oo, 'yun ang kasabay ng ploning, kabugan, at oras. Isang araw, nakita ko sa isang advertisement ng television network na abs-cbn na bbigynag kulay ang mga istorya ng pocket book na binabasa ng mga kababayan natin na walang mapaglibanangan. Kaya lang, isang beses ko pa lang nakita iyon, kaya, hindi ko alam kung nananaginip lang ako...waaahhh
para sa abs-cbn, isa itong magandang hakbang upang tumaas ang ratings, kasi nga naman, mas magiging makatotohanan na ang bawat tagpo. Magkano kaya ang binayad nila kay martha para sa rights? sa kabilang banda, palagay ko sa hapon ito ipapalabas at hindi sa primetime.
paala ala-> HINDI puwedeng ilabas ng abs-cbn ang mga maiinit na eksena, kaya hindi maipapakita lahat, depende sa kung ano ang isinulat, kasi may mtrcb tayo....
Tuesday, March 24, 2009
Tuesday, March 10, 2009
Panunuring pampelikula- PLONING

Ploning
Ploning. Nagmula ang pamagat na ito sa kantang Cuyonon na “Ploning”, isang kanta tungkol sa pag-ibig
Nagsimula ang eksena na mapapakinggan ang awit ng Ploning sa orihinal nitong salita. Makikita sa pambungad na eksena ang pagsasaring gawa nila Ploning at Tomas sa isang Balsa…
Literary aspects
Napansin kong maraming karakter sa pelikulang Ploning dahil may mga maliliit pang istoryang nakapaloob dito. Siyempre, nariyan si Ploning, ang bida, na napakamisteryoso ng pagkatao na wala man lang nakakaalam ng kanyang tunay na pangalan, Ploning lang ang twag sa kanya. Si Digo, ang naging “anak-anakan” ni Ploning ay nagging si Muo Sei makalipas ang 25 taon pero bumalik sa Cuyo. Nariyan din sila Susing, ang ama ni Ploning Nieves, ang babaeng hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan bagkus ay kung ano ang nasa loob, Celeste, ang babaeng liberal at may pagka moderno, Juaning- ang pilay“nanay” ni Digo, na nagging mapagmahal na ina sa kanya.Intang- nanay ni Tomas na kasintahan ni Ploning na medyo makasarili, si Alma ang babaeng simpleng bagay lamang ang nagpapaligaya sa kanya at siya rin ay matiisin o pasensyosa, Siloy, ang bagito pa noon na nagging mayor ng Cuyo nang bumalik si Digo, at marami pang extrang karakter sa pelikula.
Ang istorya ay nagsimula sa pagbabalik ni Digo/ Muo Sei sa isla ng Cuyo, Palawan dahil hinahanap niya kung ano o sino nga ba si Ploning. Pumunta siya sa dating bahay ni Ploning at pilit inaalala ang nakaraan. Pumunta sila ni Doc/Badocdoc sa pagawaan ng cashew brittle na Ploning. Nadiskubre niyang ang may-ari ay si Celeste
Noong bata pa si Digo, parati niyang kasama ang naglalakad niyang nanay na si Ploning, at ayaw niya itong pumunta ng Maynila. Isang araw, nataong araw ng pista, inakala niyang umalis si Ploning, kaya naman ay lumayas siya sa Cuyo sa pamamagitan ng paglangoy
Isa lang ang tema ng Pelikula, pag-ibig, maging sa kasintahan man ito o sa anak o sa kaibigan. Ang mood ng pelikula ay madrama at emosyonal
Dramatic aspects
Makatotohanan ang pagganap ni Judy Ann sapagkat hindi mo makikita ang pagiging Juday niya sa kanyang karakter at walang bahid ng kaartehan, mahusay rin siyang magsalita ng Cuyonon. Mahusay din ang pagpili ng mga actor kasi tama lang ang itsura nila, angkop sa mga taga Cuyo, hindi talaga tipong artistahin, maging si Juday
Epektibo ang paggamit ng costume at props upang maipadama sa manonood kung ano nga ba ang mayroon sa Cuyo.
Kumbinsido naman ako sa pag-arte, natural na atural lang. ayaw ko lang nung eksenang kinakausap ni Intang ang Diyos, ang sama nang eksenang iyon. Hindi bagay kasi parang wala naming gagawa nun sa totoong buhay.
Mahalaga ang facial expression sa pelikula, naipakita iyon nung mawala si Digo sa Cuyo, bumakas ang lungkot sa mukha ng isang malihim na si Ploning. Nagpapakita ito ng matinding kalungkutan.
Para sa akin, mas nagging matimbang ang set kaysa sa costume at set up dahil sa isla ng Cuyo nakasentro ang istorya, kung ano nga ba mayroon doon
Cinematic aspects
Maraming estilong “flashback” ang ginamit sa pelikulang ito upang maipagtagpi-tagpi ang mga maliliit na istorya. Ang mga ipinapakitang nakaraan ay hindi naman nangangahulugang lahat ay mula sa alaala ng karakter. Napansin kong hindi lamang nakatuon sa mga karakter ang camera kundi pati na rin sa mga tanawin. Marahil ay ginawa iyon upang lalung makuha o maramdaman ang lugar ng Cuyo.
Maayos naming nailapat ang musika sa pelikula at ipinapakita nito ang kultura ng mga Cuyonon
Ploning, nga labing malebanAng guegma mo PloningNga ing kandaduanLisensia ko PloningKung sarang tugutanMapamasyar akoSa marayeng lugar
Karagdagang impormasyon
Ano ang kaugnayan ni Dig okay Ploning?
Si Ploning ang tumatayong naglalakad na nanay ni Digo dahil ang kinikilala niyang nanay na si Juaning ay pilay at hindi siya masamahan nito.
Bakit nagalit si Ploning sa kanyang ama?
Dahil ayaw siya nitong payagang pumunta sa Maynila
Anu-ano ang mga simbolismo ng mga sumusunod?
Bato- ang balugo, nagsisilbi itong koneksyon ni Ploning kay Tomas. Simbolo ito ng kanilang pag-ibig.
Tsinelas- sumisimbolo ito sa pagbabago, malaking pagbabago sa buhay.
Lata ng Lychees- Nagsisilbing koneksyon ni Digo kay Ploning. Simbolo din ito ng kanilang pag-ibig bilang mag-ina at magkaibigan din.
Puting damit- puro o kalinisan o kadalisayan. Sumisimbolo rin ito sa pagiging birhen o pagiging inosente
.
Asin- pag-asa at panandaliang kaligayahan
Kasoy- nagsisilbing koneksyon ng mga magkakaibigang babae sa Cuyo. Simbolo rin ito ng kanilang mapaglalabasan ng kanilang emosyon o saloobin.
Indigo dye- kasiyahan, pakikiisa
Anu-ano ang pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita sa pelikula
Pagpapahalaga sa pamilya, pag-ibig sa kasintahan, pagpapayo sa kaibigan, pagiging malapit sa isa’t isa o ang kaugaliang bayanihan sa mga taga Cuyo.
Ano ang lihim ni Ploning?
Anak niya si Digo kay Tomas, anak sa pagkadalaga.
Para sa akin 6/10 ang maibibigay ko
Kalakasan
Mga artista, mas sikat, mas maraming hatak sa mga taga hanga.
Maraming aral tungkol sa buhay at pag-ibig
May lohikal na istorya
Kahinaan
Istatikong eksena, pagtingin sa kawalan.
Masamang simula, hindi ang tipong aabangan ang mga susunod na mangyayari, nagging interesado lang matapos ang kalahati

Panunuring panteatro - KABUGAN
Kabugan
Hindi ako sumabay sa aking mga kamag-aral, nauna akong manuod sa kanila nang isang araw. Kaya kung anu man ang opinion nila ay medyo kaiba sa akin kahit parehing istorya lamang an gaming pinanuod.
Isang maulan na Biyernes, Pebrero 27 ako nanuod, pagkatapos ay umaraw, kaya sumakit ang ulo ko (parehong literal at nagpapakita ng inis na emosyon). Sa Albertus Magnus auditorium ako nanuod ng palabas sa teatro na “Kabugan” na ipresnesenta ng Teatro Tomasno. Nagkaroon ng dalawang bahagi ang palabas na kabugan, isang medyo romantiko, at ang isa naman ay medyo nakakatakot.Sa unang bahagi o istorya ng kabugan, nagkatagpo si babae at lalaki, isang napaka hindi kapanipaniwalang pagtatagpo sa kadahilanang gusto lang ng lalaki ang dala ng babaeng pagkain. Pero mahahalata na ang intesyon ng lalaki sa simula pa lang. nabanggit ng lalaki na mayroon na siyang asawa at nakakapagtakang nanliligaw pa ito kahit kasal nap ala siya. ‘Yun pala ay ayaw na niya sa asawa niya dahil masyado itong selosa. Madali rin naming nahulog ang loob ni babae sa kadahilanang galling siyang probinsya at tanging ang lalaki lang na iyon ang pumansin at nakipag-usap sa kanya. Pero sabi nga nila, tsismoso ang mga Pinoy. Ang mga “passers by”sa palagay ko ay ang nagsumbong kay Rose, asawa ni Lalaki, kaya naman ang istorya ay nagtapos sa isang trahedya sa pamamagitan ng pagbaril. Sa kabilng banda nakakapagtakang ang kontrabida pa mismo ang mayroong pangalan. Sa opinion ko ay gusto tayong bigyan ng impresyon ng manunulat kung gaano nga ba magkakilala si babae at lalaki- hindi nila lubos na kilala ang isa’t isa kaya walang pangalan ang mga ito na maaari nating sabihin na walang kuwenta ang pag-iibigan nila- mababaw. Si Rose lang, ang asawa ni lalaki ang may pangalan dahil isang karakter lang ang ipinakita, ang pagseselos at walang bahid ng awa at pag-ibig. Rose na may tinik.
Sa pangalawang palabas, nahirapan akong intindihin ang istorya, ngunit dinadala ng bawat karakter ang kasalanan nila , at sila ay binabagabag ng kanilang konsyensya- mga multo. Si Mario ay nagkaroon, at patuloy na nagkakaroon ng relasyon kay Luna, ang naging kalaguyo ng ama ni Mario. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng kasalanan ang dalawa. May asawa na din si Mario pero nakipagrelasyon siya sa karelasyon ng ama na si Luna, at nabuntis pa ito. Matapos malaman na nilason ni Mario na ang ama, nagalit si Luna at sinaksak niya si Mario
Isa lamang ang tema ng parehong istorya ng kabugan- PAGTATAKSIL.
Sa una ay nagtaksil si lalaki at babae kay Rose, pangalawa ay nagtaksil si Maryo at Luna sa ama ni Mario at sa aswa nito. Pangatlo ay nagtaksil ang palabas sa manonood nito. Ang mali ko kasi ay inakala ko na magiging ganoon ito kaganda pagdating sa sustansya ng istorya. Pero nabigo ako. Ang Teatro Tomasino naman ay may obligasyon na pagandahin ang palabas ngunit nabigo sila, at sa ganoong paraan sila nagtaksil sa mga manonood.
Kalakasan
Maganda ang props at costumes, nadama ko rito ang pagiging natural ng lugar. Maganda rin ang “pre conditioning” na ginawa nila bago simulan ang pngalawang bahagi. Naglagay pa talaga sila nang mga taong nag anyong multo para maipadama ang takot
Kahinaan
Ang pagsasalita ng mga karakter sa ibang bahagi ay hindi ganoon kalinaw lalo na sa pangalawang bahagi at ang huling dayalog ni babae sa unang bahagi. Hindi ko naintindihan pero ang mensahe ata ay hindi ganoon kaimportante bago siya namatay
4.46/10 ang aking marka para sa kabugan

pocketbook review - with this ring ni Martha Cecilia
“With this ring” ni Martha Cecilia
I. Sinopsis
Ang kuwentong ito ay nagsimula sa Cebu, isang napakasyang sitwasyon para Alora Arganza na malapit nang ikasal kay Kiel. Pabor dito ang kanyang ama na si Mauro Arganza ngunit mariin naman ang pagtutol ng kanyang ina, si Margarita Arganza. Mayaman sina Alora at ordinaryong empleyado naman si Kiel. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasaksihan ni Alora na magkasama sina Kiel at ang kanyang sa kuwarto na magkatabi sa kama. Patakbong lumayas si Alora at nadagil siya ng sasakyan sa gitna ng kalye. Wala siyang maalala nang siya ay nasa ospital. Wala siyang pagkakakilanlan maliban na lang ang engagement ring na bigay ni Kiel. Tumakas ang may amnesia na si Alora at natagpuan naman ng mga ahente ng white slavery sa Maynila.
Siya ay nakatakas nang marating ang pier at nagtago naman sa bakanteng aparador ng Cabin ng bayaw ng kapitan ng barko na si Gino. Nagulat si Gino nang makita si Alora, at inakala pa niyang isa siyang bayarang babae. Naalala ni Gino sa kanya si Jessica, ang una niyang pag-ibig. Nagkausap sila at nalamang may amnesia nga si Alora. Pinangalanan niya itong “Lian”. Ang barko nila ay papuntang Davao. Kahit na hindi nila kilalang lubos ang katauhan ni Lian, malugod naman siyang tinanggap ng natitirang pamilya ni Gino, ang kanyang ate na si Lani, asawa ni Kapitan Ronald.
Nagkaroon ng pagtitinginan sa pagitan ni Lian at ni Gino sa loob ng dalawang buwanng pamamalagi ni Lian sa kanila. Unti-unting bumabalik ang mga alaala ni Lian hanggang sa nalaman niya ang tunay niyang pangalan. Aksidente naman ang pagkakabasa niya sa peryodiko na may balitang nagpakamatay ang kanyang ama noong araw na umalis siya ng ospital. Dagdag pa sa sama ng kanyang loob ay ang larawan ni Jessica na nananatili sa kuwarto ni Gino.
Bumalik si Alora ng Cebu at tumuloy sa kanilang bahay at nag-usap sila ng kaniyang ina sa mga pangyayari. Sa sama ng loob kay Gino, ibinuhos na lamang niya ang kanyang atensyon sa negosyo ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal ay nahanap siya ni Gino at makalipas ang ilang buwan ay nagka ayos din at nagkapaliwanagan, at sila ay nagpapakasal.
II. Pagsusuri
Ang istilo ng level ng wika ay naglalaro mula informal hanggang balbal. Ito ay sa kadahilanang kapansin na may mga terminong ginamit na parang salitang kanto o nasa ordinaryong komunikasyon lamang. Kapuna-puna din ang paggamit ng istilo ng erotic literature na nagbibigay kulay sa kuwento. Pinakulay ito ng mga tayutay na simile ("Mali ang desisyon iya! Sa basang T shirt ay para na ring walang damit ito!", "Guwapo, maganda ang katawan na tila isang greek god") at metapora ("Kulay kape na may gatas ang balat niya pero makinis at pantay pantay") . Tiyak na ang salitang ginamit ng may akda na talaga namang kinakailangan upang mas maging mabisa ang paglalarawan sa mga kilos ng tauhan sa kuwento. Dagdag pa riyan, masasabi ko din na ang may akda gumamit ng denotasyon dahil may mga tono ng salita na tila hindi obhektibo ang dating.
III. Rekomendasyon/Kongklusyon
· Nakakaaliw basahin ang librong ito, pero hindi ito para sa lahat lalu na sa mga bata.
· Kung hindi ka sanay sa wikang Filipino, mas matatagalan ka pa sa pagintindi kaysa sa inaasahan mong oras na matatapos ka.
· Simple lang ang plot, at ito ay sumasalamin sa antas ng edukasyon mayroon dito sa ating bansa. Kaya inererekomenda kong huwag masyadong magbasa ng mga ganitong babasahin.
· Mairerekomenda ko itong panregalo para maiba naman.
· Mas maganda ang librong ito kaysa sa inaasahan. Huwag basta husgahan ang mga ganitong libro.
ibinigay kong marka 4.2/10

ORAS
“ Oras “
. Maaaring nanggaling ito sa salitang Kastila na “oro” na ang ibig sabihin ay ginto. Kaya naman may kasabihan na ang oras ay ginto- mahalaga. Ang oras ay salitang Filipino na ginagamit natin na tumutukoy sa kung gaano kahaba ang lumipas o mga bagay na nagaganap at magaganap sa maikling panahon. Sa salitang Ingles na “time” o “hour” depende sa gamit. Ang istandard na “unit of measurement” na ginagamit dito ay segundo (seconds). Sa unang tingin, marahil ay aakalain mo na puwede silang pagpalitin ng salitang panahon, ngunit ang dalawang ito ay magkaiba sa dalawang aspeto. Una ay ang sakop ng katagalan o “duration”. Sa oras, o “hour”, Maaaring gamitin ito upang tukuyin ang partikular na panahon lamang. Ang panahon ay mas malawakang sakop at masasabing binubuo ito ng maramin at patuloy na dumadaloy na oras na puwedeng abutin ng araw, linggo, buwan, taon, dekada, at siglo o higit pa. Maaari ding gamitin ito sa panahon ng klima o sa Ingles ay “season”, halimbawa: panahon ng tag-ulan (alam nating Hunyo hanggang Agosto o higit pa ang sakop nito). Kung ganoon, masasabi natin na ang yunit ng panahon ay ang oras. Ang ikalawang aspeto naman, nagkakaiba sila sa gamit nito sa pangungusap. Halimbawa: Oras mo na (tunog negatibo) ; panahon mo na (tunog positibo); panahon ng mga Kastila (hindi maaaring gamitin ang oras sapagkat ang pangyayaring ito ay matagal at tumatak na sa ksaysayan maging sa kultura ng ating bansa. Pareho rin ang gamit sa Panahon ng Hapon, Panahon ng Martial law, etc.)
Pero bakit ko napili ang salitang oras? Bakit natatangi sa akin ito? Dahil nga maituturing itong maliliit na yunit na bumubuo ng panahon. Para sa akin, isa sa malaking misteryo ng buhay ang oras tulad ng ating pagkamayroon (existence o being). Alam nating lahat na kapag ang oras ay nagdaan, hindi na ito muling maibabalik pa. Kaya naman paborito itong talakayin hindi lamang ng mga siyentipiko, pati na rin ng mga makata, kompositor, pilosopo, at maging ng ordinaryong tao. Nagkakaiba man ng larangan, nagkakaisa naman ang adhikain, ang manipulahin ang oras o ang panahon. Ayon sa sikat na physicist at tumanggap ng Nobel prize para sa physics na si Albert Einstein, maaari tayong makapaglakbay sa hinaharap ngunit, hindi sa nakaraan, kung makakagawa tayo ng sasakyang kasing bilis ng bilis ng liwanag. Ngunit makagawa naman tayo nito, kailangan ding isaalang-alang ang katotohanan na hindi kayang tumagal ng katawan ng tao sa ganyang bilis. Ang konsepto naman ng manunulat ng pelikulang “somewhere in time” na si Richard Matheson ay maaari naman tayong makapaglakbay sa nakaraan sa pamamagitan ng hipnotismo na ginawa ni Christopher Reeves. Ngunit ang lahat ng ito ay puro teorya na parang bangkang naliligaw sa gitna ng karagatan ng kaalaman at walang lupang matanaw. Ayon naman sa ilang siyentipiko, wala naman talagang oras o panahon. Ang mga bagay daw ay nagdadaan at lumilipas dahil sa galaw (motion). Kaya naman ang tanggap natin magpasahanggang ngayon ay ang oras, pag lumipas, hindi na maaaring maibalik tulad sa awitin ng “Allan Parsons project”, na ang oras ay dumadaloy parang ilog papuntang dagat hanggang sa ito ay maglaho magpakailanman (isinalin mula sa isang linya ng kanilang awiting “time”).
Sa panahon natin ngayon, ano ba ang gamit ng oras? Para sa akin, ang oras ay nagbibigay ng kaayusan. Matibay na ebidensya diyan ang “schedule” para alam natin kung kailan tayo magsisimula at magtatapos- kung kailan natin gagawin ang mga bagay-bagay. Dagdag pa diyan ang “deadline”. Kailangan nating matapos ang gawain sa binigay na palugit upang sa gayon tayo ay makausad. Kung minsan naman, ang oras o panahon mismo ang naglalantad o sumasagot sa ating mga katanungan. Halimbawa ay paghihintay ng resulta, pag-unawa sa aralin, at tagumpay na nagpapaalala sa atin na ang Roma ay hindi itinatag ng isang gabi lamang.
Ang oras ay nagpapaalala sa atin na walang anumang bagay sa mundo ang permanente. Lahat ay pasulong na nangangahulugang progreso. Oras, simpleng salita na may napakakomplikadong pilosopiyang nakapaloob dito

Subscribe to:
Posts (Atom)